Botohan kung may probable cause ang impeachment complaint kay CJ Sereno isasagawa na ngayong araw

By Erwin Aguilon March 08, 2018 - 07:52 AM

Pagbobotohan na ngayong araw ng House Committee on Justice kung may sapat na probable cause upang ma-impeach si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, pinuno ng komite, pagbabasehan nila kung may sapat na basehan ang 27 grounds na inilagay ni Atty. Larry Gadon sa kanyang inihaing reklamo.

Gayunman, sinabi ni Umali na maari nilang pagsama-samahin ang mga alegasyon kung kabilang ang mga ito sa isang ground ng impeachment na siyang itinatakda ng Saligang Batas.

Paliwanag ni Umali, dahil sa kabiguan ni Sereno na humarap sa kanilang pagdinig, ang mga ebidensyang inilahad sa kanila kabilang na ang mga testimonial evidence ang kanilang magiging batayan upang masabi na may probable cause ang reklamo ni Gadon.

Kabilang sa mga sinasabing grounds ba nilabag ni Sereno upang ma impeach ang culpable violation of the Constitution, corruption, other high crimes at betrayal of public trust.

Nagkaroon ang 15 na pagdinig sa probable cause ang komite ni Umali kung saan kabilang sa mga humarap ang mga mahistrado at opisyal ng Korte Suprema, mga taga Judicial ang Bar Council, mga taga BIR, Land Registration Authority at mga psychiatrist na sumuri kay Sereno.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: house justice committee, Impeachment complaint, Maria Lourdes Sereno, Reynaldo Umali, house justice committee, Impeachment complaint, Maria Lourdes Sereno, Reynaldo Umali

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.