Biyahe ng MRT-3 nagka-aberya

Maagang nagka-aberya ang biyahe ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3) Huwebes ng umaga.

Ayon sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), isang tren nila ang nagkaproblema sa signaling system.

Dahil dito pinababa na lamang ang mga pasahero sa Guadalupe station southbound dakong alas 5:53 ng umaga.

Aabot sa 800 pasahero ang naapektuhan ng nasabing aberya.

Agad din naman silang napasakay sa kasunod na tren.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...