Ilang batch ng gamot sa TB at Leprosy, pinababawi sa merkado ng FDA
Ipinababawi sa merkado ng Food and Drugs Administration ng Department of Health ang ilang batch ng isang antibiotic dahil sa hindi pagsunod sa tamang specification.
Ordered recall ng FDA ang Rifampicin na may brand name na Rifanid 200 milligram per 5 milliliter suspension (200 mg/5ml) na may batch numbers c30002, c30007, at c30008 na ang expiration ay sa May at July 2016.
Lumitaw sa pagsusuri na hindi agad natutunaw ang powder sa tubig at nagbubuo-buo ito kahit pa kalugin ito.
Ang Rifampicin suspension ay ginagamit na panlunas sa mga sakit na Tuberculosis, Leprosy, at iba pang impeksyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.