Kaso laban sa magka-live in na hinihinalang ISIS recruiter at Pinay, ibinasura ng DOJ

By Marilyn Montaño March 08, 2018 - 03:36 AM

Ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang kasong kriminal na inihain ng militar at pulisya laban hinihinalang ISIS recruiter at Pilipinang live in partner nito.

Sa resolusyon na pirmado ni DOJ Senior Assistant State Prosecutor Peter L. Ong, ibinasura ang kasong illegal possession of firearms and explosives laban sa Tunisian national na si Fehmi Lassqued o Haythan Abdulhamid Yusof at kalive-in nito na si Anabel Moncera Salipada.

Sa reklamo ng Regional Police Intelligence Operations Unit Ng Pnp-National Capital Region Police Office, naaresto ang dalawa sa kanilang apartment sa Malate, Manila. Narekober sa kanila ang mga sangkap sa pampasabog at isang baril.

Pero sa counter affidavit ni Lassqued, sinabi nito na hindi sa siya naaresto sa Maynila kundi sa Ayala Triangle habang siya ay naninigarilyo dahil break nito sa kanyang Spanish class.

Kahit anya isailalim sa finger print examination ang mga nakumpiskang bagay ay wala ang marka niya dahil hindi niya ginalaw ang mga ito.

Nakasaad pa sa resolusyon ng DOJ na peke ang nakuhang baril sa mag live in partner.

Sa mga litrato ng mga nakumpiskang pampasabog at baril, sinabi ng militar at pulisya na kinunan ito sa bahay ng dayuhan at pinay. Pero napuna ng DOJ na ang background ng larawan ay iba sa apartment ng dalawang suspects.

Binanggit din sa resolusyon na ang medical examinations ng dalawa sa magkahiwalay na lugar ay nangangahulugan na naaresto sila sa magkahiwalay na lugar sa magkaibang oras.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.