Iba pang tourist destinations, maari ding ipasara ni Duterte

Nagbabala ang Palasyo ng Malakayang na hindi lang ang Boracay ang nanganganib na ipasara ni Pangulong Rodrigo Duterte, kundi maging ang iba pang tourist destinationa na magpapabaya at hindi mangangalaga sa kalikasan.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang planong pagdedeklara ng state of calamity sa Boracay ay dapat na maging hudyat sa iba pang tourist destination na umayos na at tiyaking hindi lumalabag sa mga environmental laws ang mga establisyimento.

Babala pa ni Roque sa mga local government officials, huwag nang hintayin na mapuno pa ang pangulo para na rin makaiwas sa kasong administratibo o kasong kriminal.

Ipinauubaya naman ng pangulo kay Interior and Local Government Sec. Eduardo Año at Environment Sec. Roy Cimatu ang pagbaba ng rekomendasyon hinggil sa Boracay island.

Alinsunod sa batas, bawal ang pagtatayo ng anumang istruktura 30 metro mula sa dalampasigan.

Nakasaad rin dito na dapat ay mayroong sewerage treatment facility sa isla upang hindi direktang umagos sa karagatan o mga baybayin ang mga dumi mula sa mga banyo at lababo ng mga bahay.

Read more...