PACC inutusan ng pangulo na kalkalin ang kanyang bank account

By Chona Yu March 07, 2018 - 08:17 PM

Malacanang Photo

Nakahanda si Pangulong Rodrigo Duterte na pabuksan ang kanyang bank account sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na pinamumunuan ni Dante Jimenez

Sa talumpati kagabi ng pangulo sa oath taking ng mga opisyal ng PACC, sinabi nito na bininibigyan niya ng pahintulot ang grupo ni Jimenez na busisisin ang laman ng kanyang bangko.

Ayon sa pangulo, kapag lumagpas sa P40 Million ang laman ng kanyang bangko ay agad siyang bababa sa puwesto.

Nilinaw ng pangulo na hindi siya yuyuko sa akusasyaon ni Senador Antonio Trillanes  na nasa P211 Million ang kanyang bank accounts.

Malinaw kasi aniya na fishing expedition lamang ang ginagawa ng senador ayon kay Duterte.

Ayon sa pangulo, “Lahat naman tayo…magsobra diyan, I step down. Sige, kunin ninyo. Wala akong — at hindi ganun kalakas ang loob ko kung may masilip ka sa akin. Hindi ganun kalakas ang loob ko”.

Hinimok din ng pangulo ang publiko na kapag mayroon silang kapatid na nagtatrabaho sa Bangko Sentral ng Pilipinas ay buksan na lamang ang kanyang bank account.

TAGS: bank account, Dante Jimenez, duterte, vacc, bank account, Dante Jimenez, duterte, vacc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.