Sen. Villar handang ipasara ang kanilang hotel sa Boracay
Hindi kawalan sa mega real estate business ng pamilya ni Senator Cynthia Villar kung kasama sa ipapasarang establismento ang pag-aari nilang hotel sa isla ng Boracay.
Ngunit sinabi ni Villar na bago sila magsagawa ng pagdinig sa Boracay noong nakaraang linggo, kinumpirma muna niya sa kanilang kumpanyang Vista Land na hindi kasama ang kanilang Boracay Sands Hotel sa mga tinukoy na lumalabag sa environmental laws.
Aniya ayaw niyang mapahiya at nalaman niya na compliant ang kanilang hotel.
Ukol naman sa Costa Dela Vista na nasa Boracay din, sinabi ni Villar na ang negosyo ay joint-venture at gayunpaman kung may paglabag ito ay hindi rin kawalan sa kanila.
Iginiit ni Villar na kabilang pa siya sa tunay na nagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan.
Magugunitang sinabi ni Villar na mas makakabuting huwag magpatupad ng total closure sa mga establishemento sa Boracay at ang ipasara lamang ay iyung lumalabag sa environmental laws.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.