Philippine Army pabor sa peace talks sa CPP-NPA

By Mark Makalalad March 07, 2018 - 05:13 PM

Radyo Inquirer

Bukas ang Philippine Army sa posibilidad na muling pagbabalik ng peace talks ng pamahalaan sa mga rebeldeng grupo.

Ito’y kasunod na rin ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na maari nyang ikunsidera ang pakikipagkasundo sa CPP-NPA kung magdedeklara sila ng ceasefire.

Ayon kay Philippine Army Spokesman Lt. Col. Louie Villanueva, dati pa man ay interesado na sila na makipgkasundo sa CPP-NPA pero mismong ang mga ito ang sumisira sa proseso ng usaping pangkapayapaan.

Dagdag pa ng opisyal, sila daw ang laging naiipit dahil sila ang nasa gitna ng bakbakan at sumusunod sa rulings na itinakda ng parehong kampo.

Paliwanag ni Villanueva, maituturing na welcome development ang sinabi ni Pangulong Duterte pero dapat din tignan sa mga susunod na araw kung totoo nga ba ang sinseridad ng mga rebelde.

Una nang sinabi kahapon ni Eastmincom Commander Lt. Gen. Benjamin Madrigal na hindi pa napapanahon sa muling pagbabalik ng peace talks.

Dapat daw umano kasing mahinto ang kanilang recruitment sa iba’t ibang bahagi ng bansa at dapat ding magpatuloy pa ang kanilang pagbabalik loob sa pamahalaan.

Matatandaan na noong Mayo nang nakaraang taon ay hindi natuloy ang ikalimang round ng peace talks sa hanay ng pamahalaan at ng komunistang grupo dahil din sa mga pag-atake ng mga rebelde.

TAGS: CPP-NPA, duterte, peace talks, Villanueva, CPP-NPA, duterte, peace talks, Villanueva

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.