Pinuno ng NGCP nag-resign na

NGCP photo

Bumaba na sa pwesto bilang pinuno ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP si Henry Sy, Jr.

Ayon sa ipinalabas na statement ng NGCP, tinanggap ng kanilang Board of Directors ng request ng kanilang Pangulo at Chief Executive Officer para sa early retirement nito.

Sinabi sa advisory na gusto ni Sy na maagang magretiro upang makapag-focus siya sa kanyang real estate business.

Nagpapasalamat naman ang pamunuan ng NGCP kay Sy para sa pitong taon nitong pamumuno sa power grid ng bansa.

Itinalaga na rin ng NGCP Board si Chief Administrative Officer Anthony L. Alameda bilang Officer-in-Charge ng NGCP.

Read more...