Umakyat na sa animnapu’t siyam katao ang nasawi sa nangyaring mudslide sa Guatemala.
Ayon kay Sergio Cabanas, incident commander ng Guatemala government’s disaster reduction office, aabot sa tatlong libo katao ang nawalan ng tahanan dahil sa mudslide.
Nabatid na ilang araw nang nakararanas ng matinding pag ulan ang Guatemala.
Patuloy ang ginagawang search and rescue operations para mahanap ang iba pang mga biktima.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.