12 Pinoy pasok sa “Billionaires list” ng Forbes

By Den Macaranas March 07, 2018 - 04:01 PM

Inquirer file photo

Labing-dalawang mga Pinoy ang kasama sa 2018 Forbes World’s Billionaires list.

Pinangungunahan ito ng pinaka-mayamang Filipino na si Henry Sy Sr. ng SM Group.

Ang 94-anyos na si Sy ay mayroong net worth na umaabot sa $20 Billion.

Kabilang sa mga negosyong pag-aari ng kanyang pamilya ay ang SM Investments, SM Prime Holdings at BDO Unibank.

Si Sy ay ang 52th richest sa talaan ng Forbes para sa pinakamayayamang tao sa buong mundo kasunod ang may-ari ng Space X at Tesla na si Elon Musk na mayroong net worth na aabot sa $19.9 Billion.

Ikalawa naman sa pinakamayamang Pinoy si JG Summit founder John Gokongwei na may kabuuang net worth na $5.8 Billion at nasa 305th spot sa global ranking.

Ang pamilya ni Gokongwei ang nasa likod ng Universal Robina Corporation, Robison’s Group at Cebu Pacific.

Kasama rin sa listahan si Enrique Razon ng International Container Terminal Services Inc. at Bloomberry Resorts Corp. na ayon sa Forbes ay may net worth na $4.9 Billion.

Si Razon ay nasa 404th spot sa global ranking ayon sa Forbes.

Ikaapat sa listahan ng pinaka-mayamang Pinoy si Lucio Tan na nasa 441st place sa global ranking.

Si Tan ay may net worth na $4.7 Billion ang nasa likod ng Philippine Airlines, Eton Property, Allied Bank at ilang brands ng alak at sigarilyo.

Pang lima sa talaan ng mga mayayamang Pinoy ang founder ng Jollibee Foods Corp. na si Tony Tan Caktiong na may net worth na $4 Billion at nasa 550th place sa gobal ranking.

Pasok sa pang-anim na pwesto si George Ty ng Metrobank Group na nasa likod rin ng Toyota Corp. sa bansa.

Si Ty ay may ari-ariang aabot sa $3.9 Billion at pang 572 sa world’s list ng Forbes.

Pasok rin sa listahan si dating Senate President Manny Villar na nasa likod ng isa sa pinaka-malaking real estate empire sa bansa.

Si Villar ay may kabuuang net worth na $3 Billion at pang 791 sa listahan ng mga pinakamayamang tao sa buong mundo.

Ang property tycoon na si Andrew Tan na founder ng Megaworld Group na nasa likod ng ilang real state property at malls sa bansa ay may estimated fortune na $2.7 Billion at nasa 887th ranked globally.

Kasama rin sa listahan ng pinakamayamang Pinoy at tao sa buong mundo si San Miguel Corporation President Ramon S. Ang na pinuno rin ng Eagle Cement Corp.

Si Ang ay may estimated value na $2.5 Billion at nasa 956th ranked sa buong mundo.

Ang car dealership at insurance mogul na si Robert Coyiuto Jr. ay may estimated net worth na $1.4 Billion at  nasa 1,650th ranked sa listahan ng mga pinaka-mayaman sa buong mundo.

Kasama rin sa talaan ng mga pinakamayang tao sa buong mundo sina San Miguel Corporation Chairman Danding Cojuangco na may net worth na $1.3 Billion.

Ang pinuno ng Philweb Corporation at Alphaland Corp. na si Roberto Ongpin ay may $1.1 Billion na net worth ayon sa Forbes.

Kasama rin sa listahan ng Forbes si David Consunji na founder ng DMCI Group na may iniwang net worth na $1 Billion.

Pasok rin sa listahan ang founder ng Double Dragon Properties na si Edgar Sia II na may estimated fortune na $1 Billion.

Si Jeff Bezos ang pinaka-mayamang tao sa buong mundo na may net worth na $112 Billion.

Siya ang may-ari ng e-commerce giant na Amazon.

Pangalawa sa kanya ang founder ng Microsoft na si Bill Gates na may estimated fortune na $90 Billion.

TAGS: bezoz, bill gates, billionaires list, Forbes, henry sy, bezoz, bill gates, billionaires list, Forbes, henry sy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.