5,000 pulis ikakalat sa Metro Manila sa Holy Week
Aabot sa 5,000 pulis ang ipakakalat ng Philippine National Police sa Metro Manila sa panahon ng Semana Santa.
Ayon kay NCRPO Director Oscar Albayalde, itatalaga ang naturang mga pulis sa ‘areas of convergence’.
Partikular anyang babantayan ng kanilang hanay ang mga pantalan, terminal, paliparan, mga malls at iba pang matataong lugar habang ang PNP Highway Patrol Group naman ang tututok sa mga pangunahing kalsada sa bansa.
Dagdag pa ng opisyal, maglalagay din sila ng mga police assistance desk na pwedeng takbuhan ng publiko sakaling magkaroon ng problema sa mga masasamang loob.
Samantala, sinabi naman ni Albayalde na wala pa silang namo-monitor na banta sa seguridad sa Metro Manila.
Gayunman, kanyang tiniyak na wala namang dapat ikabalaha ang publiko dahil naka-full alert pa rin ang kanilang pwersa.
Sinabi nya rin na makakaasa ang publiko na buong pwersang pulisya ang gagamitin sa pagbibigay ng seguridad sa publiko lalo’t limitado lang ang bakayson ng mga pulis sa Semana Santa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.