Sa pulong balitaan sa Palawan, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang Comelec bilang isang independent consitutional body ang may kapangyarihan na busisiin ang katatapos na halalan.
Dagdag ni Roque, maari rin namang magsagawa ng sariling imbestigasyon ang Senado para magkaalaman kung sino ang mga nandaya.
Hindi naman aniya election protest ang inihayag kahapon ni Sotto kundi isang expose’ lamang.
Sinabi pa ni Roque na hintayin na lamang din aniya kung bubuo si Pangulong Rodrigo Duterte ng isang hiwalay na investigative body at ipag-utos na siyasatin ang mga ibinunyag na impormasyon ng maagang transmission ng boto noong Mayo 8 ng 2016 o isang araw bago pa ang takdang eleksyon.
Sa ngayon, tanging si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos ang may nakahaing election protest laban kay Vice President Leni Robredo at dating MMDA Chairman Francis Tolentino laban naman kay Senador Leila De Lima na nakakuha ng ika-labing dalawang pwesto sa nasabing halalan.