70 tauhan ng NCRPO na sangkot sa iba’t ibang krimen, nasa watchlist ng PNP

By Mark Makalalad March 07, 2018 - 12:52 PM

Kuha nI Mark Makalalad

Tinututukan ngayon ng Philippine National Police ang mga NCRPO personnel na sangkot sa iba’t ibang iligal na gawain.

Ayon kay NCRPO Chief Oscar Albayalde, aabot sa 70 personnel na nakatalaga sa Metro Manila ang kanilang nasa watchlist.

Ang naturang mga pulis na kanilang binabantayan ay may ranggo na PO1 hanggang SPO1.

Sangkot daw umano ang mga ito sa illegal drugs, kidnap for ransom, extortion at iba pang reklamo.

Bagaman hindi tinukoy kung saan nakadestino, sinabi ng opisyal na karamihan sa mga ito ay galing ng Manila Police District at Quezon City Police District.

Paliwanag ni Albayalde, posibleng sa proseso na naman ng recruitment ang dahilan kung kaya’t nakalusot ang mga ito.

Maaari umano kasing nagkaroon ng pagkukulang sa background check ng mga police personnel.

Kaya naman para patuloy na malinis ang kanilang hanay sa mga ‘scalawags’ ay mas maghihigpit sila at papanagutin ang mga tiwali nilang kasamahan.

Kamakailan lang ay sinabi ng Counter-Intelligence Task Force ng PNP na aabot na sa 60 mga pulis ang kanilang naaresto sa loob ng 11 buwan.

Ito’y bilang pagtugon na rin sa mahigit 10,000 text messages, phoned-in complaints at confidential information na natanggap nila laban sa mga police personnel na sangkot sa iregularidad

 

 

 

 

TAGS: NCRPO, Oscar Albayalde, PNP watchlist, police scalawags, NCRPO, Oscar Albayalde, PNP watchlist, police scalawags

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.