Pormal na deklarasyon ng panahon ng tag-init, matatagalan pa ayon sa PAGASA
Sa kabila ng init at alinsangang nararanasan na ngayon sa malaking bahagi ng bansa maaring matagal-tagal pa ang deklarasyon ng tag-init.
Ito ay makaraang bumalik ang pag-iral ng Amihan o Northeast Monsoon.
Ayon kay PAGASA Climate Monitoring chief Annaliza Solis, umiihip pa rin ang Amihan sa bansa, habang hindi pa nila namo-monitor ang easterly wind o mainit na hangin.
Hindi pa rin aniya naaabot ang criteria para magdeklara na ang PAGASA ng ng dry season o panahon ng tag-init.
Inaasahan nila na sa huling dalawang linggo pa ng Marso magkakaroon ng transisyon mula sa malamig na panahon patungo sa tag-init.
At posibleng sa buwan ng Abril makumpleto ang criteria na hinahanap ng PAGASA bago sila tuluyan magdeklara ng panahon ng tag-init.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.