18 ang patay sa panibagong lindol na tumama sa Papua New Guinea
Patay ang 18 katao makaraang tumama ang malakas na magnitude 6.7 na lindol sa Papua New Guinea.
Naganap ang lindol Miyerkules ng umaga sa Southern Highlands dahilan para madagdagan pa ang mga nasawi matapos ang lindol noong nakaraang linggo.
Ang naitalang aftershock ang pinakamalakas na sa serye ng pagyanig na patuloy na nararamdaman sa lugar.
Sa unang lindol na tumama noong nakaraang linggo umabot na sa 75 ang nasawi.
Sa ngayon sinabi ng National Disaster Centre na hindi pa nila maisapinal ang datos ng mga nasawi at nasugatan sa lindol.
Pero may mga ulat mula sa Hela province na umabot na sa 67 ang nasawi sa nasabing lalawigan pa lamang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.