56 na HPG personnel sasailalim sa Traffic Management Course
Sasailalim sa traffic management course ang nasa 56 na tauhan ng Highway Patrol Group (HPG) ng Philippine National Police (PNP).
Miyerkules ng umaga ay lumagda sa isang memorandum of agreement ang HPG at University of the Philippines National Center for Transportation Studies Foundation Inc.
Ayon kay HPG Chief Supt. Arnel Escobal, layunun ng traffic management course ang pagbibigay ng bagong kaalaman sa mga HPG personnel nang sa gayon ay mas maging epektibo sila sa pagmamando ng trapiko.
Paliwanag ng opisyal, batid kasi nila na nahihirapan na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) pagdating sa pagpapatupad ng batas-trapiko kung kaya’t napapanahon na para magbigay sila ng “augmentation”.
Sinabi naman ni Dra. Maria Shiela Napalang, pangulo ng UPNCTSFI na lalamanin ng training ang mga bagong approach partikular na ang pagtuturo sa traffic direction.
Isasailalim ang mga HPG personnel sa training ng dalawang beses sa isang linggo na magsisimula ng alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.
Huwebes at Biyernes ang mga napiling araw sa training na tatagal naman ang hanggang May 17.
Sa ngayon, nasa 190 HPG personnel ang nasa chokepoints ng 23-kilometer highway partikular sa Balintawak, Cubao, Ortigas, Shaw Blvd., Guadalupe at Taft Avenue.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.