Co-ownership ng China at Pilipinas sa West PH Sea ikinabahala ng Makabayan bloc sa Kamara

Nagpahayag ng pagkabahala ang Makabayan bloc sa Kamara sa panganib na maaaring idulot ng pagpayag ni Pangulong Duterte sa “co-ownership” ng China at Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ayon kina Bayan Muna Rep. Carlos Zarate at Anakpawis Rep. Ariel Casilao, maaaring ma-interpret ang sinasabing “co-ownership” ng dalawang bansa sa West Philippine Sea sa pagbebenta at pagsuko ng Pilipinas sa claims nito sa pinag-aagawang teritoryo.

Sinabi ng mga mambabatas na posibleng ipakahulugan dito na pumapayag na ang Pilipinas sa militarisasyon sa itinatayong imprastraktura sa pinag-aagawang lugar.

Bukod sa pagsuko ay tiyak anila na kukunsintihin na rin ng pangulo ang tahasang paglabag sa national sovereignty tulad ng conversion ng Kagitingan Reef sa military facility ng China.

Iginiit ng mga kongresista na sa halip na ang pangulo ang defender o tagapagtanggol laban sa mga umaangkin sa ating teritoryo ay kabaligtaran pa ang ginagawa nito.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...