Ang North Korea ang nagpapatay sa kapatid ni Kim Jong-un noong nakaraang taon ayon sa US

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 07, 2018 - 10:21 AM

Getty Image

Ang North Korea mismo ang nag-utos para ipapatay ang half-brother ni North Korean leader Kim Jong-un na si Kim Jong-Nam noong February 2017 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Sa statement ng US State Department, ginamitan ng nakalalasong chemical na VX nerve agent si Nam nang ito ay patayin.

Lumitaw sa otopsiya kay Nam na ang ipinagbabawal na VX nerve agent ay nakita sa knaiyang mukha, mata, dugo, urine, damit at maging sa kaniyang bag.

Ayon kay US State Department, dahil sa nasabing findings at development sa kaso muling maglalabas ng economic sanctions ang US laban sa Pyongyang.

Dalawang babae ang naglagay ng kemikal sa kaniya sa paliparan sa Kuala Lumpur noong nakaraang taon.

Si Nam ay sinasabing potential rival ng kaniyang half-brother na si Kim Jong-un.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Kiim Jong-Nam, King Jong-un, Radyo Inquirer, US, VX nerve agent, Kiim Jong-Nam, King Jong-un, Radyo Inquirer, US, VX nerve agent

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.