Sa Labor Force Survey (LFS) na isinagawa ng Philippine Statistics Authority (PSA), 5.3% ang naitalang unemployment rate noong January 2018, mas mababa kumpara noong January 2017 na umabot sa 6.6%.
Gayunman, nakapagtala ng mahigit 2% na pagtaas sa underemployment rate ang PSA.
Mula kasi sa 16.3% na underemployment rate noong January 2017 ay nakapagtala na ng 18% ngayong January 2018.
Ayon sa PSA, maituturing na underemployed ang isang mangagagawa kung nais nitong magkaroon ng dagdag na oras sa kasalukuyang trabaho o di kaya ay nais niyang magkaroon pa ng karagdagang trabaho.
Nasa 94.7% naman ang naitalang employment rate ng PSA na bahayang mas mataas sa 93.4% noong nakaraang taon.