Biyahe ng LRT-1 nagka-aberya

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 07, 2018 - 09:32 AM

Radyo Inquirer File Photo / Rhommel Balasbas

Nakaranas ng aberya sa biyahe ng LRT-1 makaraang tumirik ang isa nitong tren.

Papalapit na sa Roosevelt Station ang tren na dulong bahagi na ng linya nang ito ay biglang huminto bunsod ng nagkaproblemang air compressor.

Ayon naman kay LRT-1 head of operations Rod Bolario, walang pasahero ang tren nang ito ay tumirik.

Gayunman, humambalang ito sa linya kaya naapektuhan din ang biyahe ng ibang tren na nasa magkabilang linya o papuntang Roosevelt at Balintawak stations.

Dumami tuloy ang mga pasaherong naghihintay sa mga istasyon.

Kalaunan, nahila rin ang nagka-aberyang tren.

Ayon sa abiso ng LRT-1 sa mga pashaero, alas 7:27 ng umaga nang maibalik sa normal ang operasyon ng tren.

Ilang pasahero naman ang nag-tweet at sinabing inabot ng 40-minuto ang paghihintay nila sa istasyon para makasakay.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: air compressor, light rail transit, lrt line 1, Radyo Inquirer, Roosevelt Station, air compressor, light rail transit, lrt line 1, Radyo Inquirer, Roosevelt Station

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.