Pagsasanib-pwersa ng mahigit 20 teroristang grupo sa ilalim ng ISIS Philippines, bineberipika pa ng AFP
Hindi ipinagsasawalang bahala ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ulat na nasa 23 terrorist groups ang nagsanib-pwersa sa ilalim ng ISIS-Philippines.
Ayon kay AFP spokesman Brig. Gen. Bienvenido Datuin, bagaman wala pang kakayahan ang mga terrorista na maglunsad ng Marawi-style attack, ay patuloy naman silang nagpapalakas ng pwersa sa pagre-recruit ng mga bagong miyembro.
Paliwanag ng opisyal, mas pinaigting pa nila ang kanilang monitoring sa mga teroristang pumuslit sa Marawi siege.
Nabatid kasi na mayroon ding ulat na apat hanggang anim na lungsod ang tinatarget ng mga grupong ito para gawing susunod na Marawi.
Samantala, sinabi naman ni Datuin na ang report na si Abu Dar na ang bagong ISIS Emir na pumalit kay Isnilon Hapilon, ay ulat lang ng 1st Infantry Division na kasalukuyan pa ring binineberipika ng AFP.
Ang 23 grupong iniulat na nagsanib pwersa sa ilalim ng ISIS Philippines ay ang mga sumusunod:
1. Ansar Dawlah Fi Filibbin (ADFF)
2. Rajah Solaiman Islamic Movement (RSIM)
3. Al Warakarul Islamiyah Battalion
4. Jama’at Ansar Khilafa
5. Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF)
6. Ansharul Khilafa Philippines Battalion
7. Bangsamoro Justice Movement
8. Khilafa Islamiya Mindanao (KIM)
9. Abu Sayyaf Group (Hapilon faction)
10. Syuful Khilafa Fi Luzon
11. Jama’atul Tawheed Wal Jihad (IS Lanao in Butig)
12. Ma’rakah Al-Ansar Battalion
13. Dawla Islamiyyah Cotabato
14. Dawlat Al Islamiya Waliyatul Masrik
15. Ansar Al-Shariah Battalion
16. Jamaah Al-Tawhid wal Jihad Philippines
17. Jundul-Tawhid Battalion (ASG Sulu)
18. Abu Dujanah Battalion
19. Abu Khubayn Battalion
20. Jundallah Battalion
21. Abu Sadr Battalion
22. Jamaah Al Muhajirin Wal Anshor
23. Islamic State of Marawi
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.