Comelec, magdaragdag ng office hours para sa registration at biometrics

By Mariel Cruz October 04, 2015 - 09:29 AM

bio
Inquirer file photo

Nagpa-plano ang Commission on Elections na pahabain pa ang oras ng kanilang serbisyo at maglaan ng karagdagang fingerprint scanners partikular na sa mga Comelec offices na mababa pa ang bilang ng mga nakapagpa-rehistro na ng biometrics data.

Ito ay sa kabila ng mataas pa na bilang ng mga botante na hindi pa nakakapag-parehistro ng kanilang biometrics information.

Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, masasagawa sila ng all-out campaign na mag-oobliga sa mahigit tatlong milyong botante na magtungo na sa mga registration offices at iparehistro na ang kanilang biometrics.

“We are thinking of extending our office hours and even provide additional equipment,” pahayag ni Bautista.

Kabilang aniya sa mga lugar sa bansa na may mababang bilang ng biometrics registration ay ang Region IV, National Capital Region o NCR at Central Luzon.

Nais ni Bautista na bumuo ng mga stratehiya na nakapokus sa mga naturang lugar na may mababang bilang ng biometrics registration nang sa gayon ay mahikayat ang mga botante na magparehistro na.

Hinikayat naman ni Bautista ang lahat ng mga botante na hindi pa nakakapagpa-rehistro ng kanilang biometrics na simula ngayong araw hanggang sa October 11 ay magtungo na sa mga Comelec offices o sa mga ipinakalat na registration booths sa mga piling malls.

Pansamantalang ipatitigil ng Comelec ang voter registration simula sa October 12 hanggang 16 upang magbigay daan sa pagsisimula ng paghahain ng Certificates of Candidacy ng mga kakandidato sa 2016 elections.

Una nang nagbigay ng abiso ang Comelec na wala na silang intensyon na palawigin pa ang voters registration na magtatapos na sa October 31.

TAGS: biometricsregistration, comelec, votersregistration, biometricsregistration, comelec, votersregistration

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.