Panukalang BBL posibleng makalusot na sa komite sa Kamara ngayong buwan

Presidential Photo

Umaasa si Anak Mindanao Rep. Makmod Mending na maipapasa na ng tatlong komite sa Kamara ang panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL bago ang kanilang Lenten Break.

Ayon kay Mending, dalawang konsultasyon na lamang ang kailangang gawin ng House Committee Local Government, Committee on Peace, Reconciliation and Unity at Committee on Mindanao Affairs.

Matapos ito ay isasapinal na aniya nila ang kopya ng BBL na kanilang pagbobotohan.

Ang BBL ay naglalayong magtatag ng Bangsamoro Region sa Mindanao na papalit sa bubuwaging Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Nauna nang isinulong ng Administrasyong Aquino ang BBL bilang bahagi ng usapang pangkapayapaan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) subalit hindi naaprubahan sa kongreso dahil sa naganao na Mamasapano encounter na ikinasawi ng SAF 44.

 

Read more...