Sen. Poe, naniniwalang walang alam ang nakatunggali niyang si Pangulong Duterte sa umano’y iregularidad sa 2016 elections

By Rhommel Balasbas March 07, 2018 - 07:25 AM

Naniniwala si Sen. Grace Poe na walang kahit maliit na tyansa na may kinalaman si Pangulong Rodrigo Duterte sa lumulutang na mga iregularidad sa nagdaang May 2016 presidential elections.

Ito ay matapos ang pagbubunyag ni Senate Majority Leader Vicente ‘Tito’ Sotto III sa umano’y posibleng naging iregular na operasyon sa nagdaang halalan.

Iginiit ng senadora na kahit siya ay natalo sa halalan ay hindi niya maikakaila ang buhos ng suporta sa pangulo sa nagdaang halalan.

“I know that for sure because of the overwhelming gap in the support the President had.”, ani Poe.

Sinabi ni Poe na hindi naman miyembro si Duterte ng ruling coalition noon kaya’t imposible na may kinalaman ito sa pagmamanipula sa eleksyon.

“And I also believe that since the President did not belong to the ruling coalition at that time time, he really had no means to manipulate the results of the elections,” ani Poe.

Gayunman, sinuportahan ni Grace Poe si Sotto sa panawagang imbestigahan ang halalan sa mga posisyon na nagkaroon ng gitgitang laban.

Anya, bagaman malinaw kung sino ang panalo sa pagkapangulo ay hindi dapat ito maging hadlang para hindi imbestigahan ang ibang posisyon.

Ayon kay Poe, kailangan ang imbestigasyon hindi lamang upang malaman ang totoong ranking sa Senado kundi upang maiwasang maulit muli ang mga ganitong iregularidad sa hinaharap.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: grace poe, May 2016 elections, Presidential elections, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, grace poe, May 2016 elections, Presidential elections, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.