Ayon sa datos mula sa PAGASA, nakapagtala sila ng 36.1 degrees Celsius sa Cotabato City kahapon ng tanghali.
Mainit din na 35.9 degrees Celsius ang naitala sa San Jose, Occidental Mindoro, habang 35.7 degrees Celsius naman sa Subic, Olongapo.
Sa Metro Manila, lumampas na sa 34 degrees Celsius ang naitalang maximum temperature kahapon.
Base sa monitoring ng PAGASA sa Science Garden sa Quezon City, alas 3:50 ng hapon kahapon ay pumalo sa 34.6 ang naitalang temperatura.
Samantala, ngayong araw, sinabi ng PAGASA na muling bumalik ang northeast Monsoon o hanging Amihan.
Apektado ng Amihan ang Northern Luzon habang Easterlies pa rin ang nakakaapekto sa Silangang bahagi ng bansa.