Mga manufacturer ng de lata, nag-abiso ng mahigit P1 dagdag-presyo pagkatapos ng Holy Week
Tataas ang presyo ng mga de lata pagkatapos ng Holy Week.
Nagpa-abiso na sa Department of Trade and Industry (DTI) ang mga manufacturer ng de lata na sila ay magpapataw ng mahigit P1 dagdag sa presyo ng kanilang mga produkto, bunsod ng pagtaas sa presyo ng raw materials at ipinatupad na reporma sa buwis.
Ayon sa Philippine Association of Meat Processors, ang dagdag singil ay maaring pagkatapos ng Holy Week sa mga canned meat.
Ang pagtataas sa presyo ng mga canned meat ay inilahad sa pulong ng National Price Coordinating Council.
Sa panig naman ng DTI, sinabi nitong dapat ay P0.36 lang o hanggang P0.50 ang dapat na dagdag sa presyo ng canned meat.
Samantala, maging ang ilang brand ng sardinas ay humirit ng P1 dagdag sa presyo.
Sa kabila ng mga hirit na dagdag presyo, sinabi ng DTI na sa pangkalahatan at stable pa rin ang presyo ng pangunahing bilihin.
Sa katunayan, sa kanilang monitoring, ang presyo ng refined sugar ay bumaba pa sa P50 kada kilo mula sa P55 kada kilo noong nakaraang taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.