Pangulong Duterte magdedeklara ng state of calamity sa Boracay
Magdedeklara si Pangulong Rodrigo Suterte ng State of Calamity sa Boracay ilang linggo matapos nitong iutos ang paglilinis ng isla.
Sa kanyang talumpati sa oath taking ng mga opisyal ng Presidential Anti-Corruption Commission, sinabi ng pangulo na inutusan niya si Environment Secretary Roy Cimatu na tapusin ang problema sa Boracay at ito na ang magdesisyon kaugnay ng planong animnapung araw o hanggang anim na buwan na rehabilitasyon ng sikat na tourist destination.
Ayon sa presidente ang desisyong ito ay batay na rin sa naging rekomendasyon ng Department of Interior and Local Government sa pangunguna ni officer-in-charge Eduardo Año.
Giit ng pangulo, ang problema sa boracay ay isang public health at public safety issue kaya pwede siyang magdeklara ng State of Calamity.
“I can order for this thing to happen because it is public interest, public safety, and public health para malaman ninyo”, ayon sa pangulo.
Nagbabala naman si Duterte sa mga korte na huwag makialam sa isyu sa pamamagitan ng paglalabas ng temporary restraining order.
“And I would caution the courts not to interfere by issuing TRO because you would just exacerbate the situation. And the worst baka hindi kita paniwalaan, ani Duterte.
Inutusan din nito ang mga lokal na opisyal sa isla na makipagtulungan sa national government at bilisan ang paglilinis ng boracay.
Hanggang may dumi anya na lumalabas mula sa mga drainage papunta sa dagat ay hindi niya papayagan na bumalik sa isla ang negosyo na lumabag sa environmental laws.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.