Mga establisyimento sa Boracay boluntaryong tinanggal ang kanilang mga stalls

Nagsimula na ang ilang mga store-owners sa Puka Beach sa isla ng Boracay na mag-self demolish ng kanilang mga itinayong stalls.

Mahigit 30 mga establisyimento sa nasabing lugar ang inisyuhan ng lokal na pamahalaan ng Malay ng paglabag sa easement rules at sanitary regulations.

Ayon kay Executive Assistant to the Mayor Rowen Aguirre, pawang nakatayo sa no-build zone ang mga stalls. Bukod pa dito, wala ring health card ang mga nagtitinda ng pagkain at wala ring septic tank at proper disposal system ang mga establisyimento.

Karamihan sa mga may-ari ng mga illegal stalls ay mga residente rin ng Boracay.

Bagaman handa silang sumunod sa mga otoridad ay humihingi naman sila ng tulong sa pamahalaan na bigyan sila ng ibang ikabuubuhay.

Samantala, nakatakdang bumalik sa isla ngayong linggo si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu para naman inspeksyunin ang mga wetland na tinatayuan rin ng iba’t ibang mga establisyimento.

Sa record ng DENR, mayroong 11 mga wetland sa Boracay at 7 dito ang na-reclaim na at tinayuan na ng mga istraktura.

Read more...