Miyembro ng akyat-bahay arestado sa Parañaque City

By Justinne Punsalang March 07, 2018 - 04:44 AM

Photo courtesy of Parañaque City Police

Timbog sa ikinasang followup operation ng Parañaque City Police ang isang lalaking itinuturong miyembro ng akyat-bahay.

Kinilala ang suspek na si Ramon Butial, 32 taong gulang na residente ng Barangay Baclaran.

Ayon kay Parañaque City Police chief, Superintendent Leon Victor Rosete, lumapit sa kanilang himpilan ang nabiktima ni Butial at inireklamo ito ng pagnanakaw sa loob ng kanyang bahay.

Kaya naman nagpasama ang mga otoridad sa biktima papunta sa kinaroonan ni Butial at doon ito inaresto.

Narekober ng mga otoridad mula sa suspek ang isang flat screen TV na sinasabing ninakaw lamang nito, bukod pa sa isang kalibre .38 baril na kargado ng apat na bala.

Mahaharap si Butial sa kasong robbery at illegal possession of firearms and ammunition.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.