IT Chief ng Korte Suprema na tumestigo vs Sereno nagbitiw sa pwesto

By Rhommel Balasbas March 07, 2018 - 03:12 AM

Nagbitiw sa pwesto ang pinuno ng Management Information System Office (MISO) ng Korte Suprema na si Carlos Garay.

Si Garay ay tumestigo pa laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa kasagsagan ng impeachment proceedings sa Kamara.

Ayon sa isang court insider, tinanggap ng SC en banc ang pagbibitiw sa pwesto ni Garay na nagpasa ng kanyang resignation letter na epektibo noong February 28.

Sa kanyang naging testimonya sa House Committee on Justice iginiit ng opisyal na hindi niya inaprubahan ang pagtanggap sa Informations Technology (IT) expert na si Helen Macasaet.

Napaulat na kumita ng P250,000 kada buwan o 11 milyong piso sa apat na taon si Macasaet.

Gayunman, iginiit ni Garay na ang serbisyo ni Macasaet ay hindi kailangan sa implementasyon ng multibillion peso project ng korte na Enterprise Information Systems Plan (EISP).

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.