Duterte nahuli sa appointment dahil sa spinal pain

By Chona Yu March 06, 2018 - 08:12 PM

Inquirer file photo

Sinusumpong na naman ng pananakit sa likod o sa spine si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa talumpati ng pangulo ngayong hapon sa oath taking ng mga bagong talaga sa Presidential Anti-Corruption Commission, sinabi nito na kaya siya na late ngayon dahil dumaan muna siya sa bahay pagbabago para uminom ng gamot.

“My spine is aching up again so i have to pass by my house for my medication”, ayon sa pangulo

Base sa advisory na ipinalabas ng Malacañang, pasado alas-singko ng hapon ang schedule ng oath taking ng mga bagong PACC officlas pero naisagawa ang panunumpa pasado alas-syete na ng gabi.

Una nang sinabi ng pangulo na mayroon siyang slip disc injury dahil sa aksidente sa motorsiklo may sampung taon na ang nakararaan.

Bago ang oath taking, dumalo muna ang pangulo kanina sa Go Negosyo 10th Filipina Entrepreneurship Summit sa World Trade Center sa Pasay City.

Pagkatapos ng PACC oath taking ay mayroon pang dinner meeting ngayong gabi ang pangulo sa Malacañang kasama ang mga nagbalik loob na rebelde.

Ito na ang ikatlong batch ng mga nagsisukong rebelde na makakasama ng pangulo sa isang hapunan.

TAGS: duterte, Malacañang, pacc, spinal pain, duterte, Malacañang, pacc, spinal pain

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.