De Lima pinayuhang sa TV magmonitor ng Sereno impeachment
“Libreng mangarap”.
Ito ang maiksing tugon ng Malacañang sa hirit sa korte ni Senador Leila De Lima na payagan siyang pansamantalang makalaya mula sa PNP Custodial Center para makadalo sa impeachment proceedings laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, dapat na manood na lamang ng telebisyon si De Lima kung mayroon itong telebisyon sa loob ng kanyang kulungan.
Mahigit isang taon nang nakakulong si De Lima sa PNP Custodial Center sa Camp Crame dahil sa kasong drug trafficking.
Nag-ugat ang kaso ni De Lima dahil sa pagbibigay umano ng proteksyon sa mga drug lord na nagsasagawa ng operasyon ng ilegal na droga sa loob sa New Bilibid Prisons (NBP).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.