Buko vendor sa viral video arestado dahil sa murder case

Photo: Celine Pialago/MMDA

Inaresto ng mga tauhan ng Crime Investigation and Detection Group ang buko vendor na nag-viral sa social media matapos bugbugin ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Nabatid na nasangkot pala kasong murder sa Masbate noong 2007 ang buko vendor na nakilalang si Romnick Relos.

Matatandaang nag-viral si Relos dahil sa video na kuha ng isang concerned citizen na pinagtutulungang bugbugin ng mga miyembro ng Sidewalk Clearing Operations Group ng MMDA.

Makikita na nagpupumiglas ang vendor at gumaganti rin ng suntok pero hinawakan siya ng MMDA personnel at tinuloy ang panggugulpi kahit sumisigaw na ang mga concerned citizens na huwag siyang saktan.

Sa huli ay wala nang nagawa ang vendor at tiningnan na lang ang nasayang na panindang buko sa kalsada.

Read more...