Roxas, Abad at Abaya kakasuhan ng pandarambong dahil sa MRT contract

By Chona Yu March 06, 2018 - 04:48 PM

Inquirer file photo

Pinag-aaralan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasampa ng panibagong kasong plunder laban kina dating Transportation Secretaries Mar Roxas, Emilio Joseph Abaya at dating Budget Secretary Butch Abad.

Ito ay dahil sa pagpayag ng tatlong nabanggit na mga opisyal na ibigay ang maintenance contract sa kumpanyang Busan Universal Rail Incorporated o BURI na walang track record sa railways system management sa Metro Rail Transit (MRT 3).

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sa isinagawang cabinet meeting kagabi ay inatasan ng pangulo si Solicitor General Jose Calida na aralin ang lahat ng legal na anggulo para mapanagot ang mga opisyal ng dating amdministrasyon na responsable sa palpak na operasyon sa MRT.

Dismayado aniya ang pangulo dahil sa kontrata ay dalawamput anim na coach ang dapat na ideliver pero dalawa lang ang naibigay ng BURI.

Bukod dito, maling signaling system din aniya ang ibinigay ng nasbaing kumpanya para sa naturang train system.

Kasabay nito, sinabi ni Roque na target na rin ng pangulo na palitan ang may-ari ng MRT Corporation.

Napag-usapan aniya ang short term solution na kailangang gawin ng Department of Transportation ay bumili ng mga kinakailangang spareparts ng mga train ng MRT para agad na mapalitan ang mga nasisira, medium solution naman aniya ang pagbabalik ng Sumitomo bilang maintenance provider ng MRT line 3 at ang pangatlo ay palitan na ang mismong may-ari ng MRT.

TAGS: ABAD, Abaya, DOTC, dotr, duterte, MRT, roxas, ABAD, Abaya, DOTC, dotr, duterte, MRT, roxas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.