Deliberayon ng Sereno impeachment sa Kamara nabalam dahil sa quo warranto petition
Hindi muna pagbobotohan sa plenaryo ng Kamara ang impeachment complaint laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay House Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas, hihintayin nila ang pasya ng Korte Suprema sa quo warranto petition na isinampa ng Office of the Solicitor General laban kay Sereno.
Sinabi ni Fariñas na walang dahilan upang madaliin nila ang impeachment kahit maisama pa ito sa order of bussines dahil pitong session days na lamang ang natitira sa kanila bago ang Lenten break.
Paliwanag nito, sa Mayo 14 pa ang pagbalik ng sesyon ng Kongreso at maisama sa order of business ay mahaharap na ito ng mga kongresista dahil mayroon silang 60- session days hanggang Oktubre 31 at malamang ay naaksyunan na rin Korte Suprema ang Quo Warranto petition.
Kaya malamang ay sa Oktubre 31 na mapagbotohan sa plenaryo ang articles of impeahcment subalit makikipag coodinate umano muna si Majority Leader Rodolfo Fariñas kay Senate President Koko Pimentel at Senate Majority Leader Tito Sotto kung kailan handa ang Senado.
Kaya sa ngayon ay itutuloy na lamang umano ang botohan ng komite para sa probable cause ng impeachment case ni Sereno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.