Nagresulta ito sa pagtaas ng presyo ng mga pagkain at ilang uri ng inumin tulad ng mga softdrinks bilang epekto ng pagpapatupad ng bagong tax reform package ng pamahalaan.
Sa report ng PSA gamit ang taong 2012 bilang new base year, umabot sa 3.9 percent ang inflation rate sa bansa kasunod ng mabilis rin na naitalang pagtaas nito noong 2014 na umabot sa 4.2 percent.
Ang nakikitang dahilan dito ayon sa PSA ay ang mabigat na buwis na ipinataw sa mga tinatawag na heavily-weighted food and non-alcoholic beverage index na umabot sa 4.8 percent.
Dagdag pa dito ang double-digit na taunang dagdag na buwis para sa mga alak at sigarilyo na inaasahang aabot naman sa 16.9 percent.
Base sa paliwanag ng PSA, umabot sa P32.50 per pack ang unitary tax na ipinataw sa mga brands ng sigarilyo epektibo noong buwan ng Enero kung saan ay mas mataas ito ng P2.50 mula sa dating halaga
Nakasaad rin sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Act na aabot sa P35 per pack mula July 1, 2018 hanggang December 31, 2019 ang excise tax ng sigarilyo.
Ito ay muling itataas sa halagang P37.50 per pack mula January 1, 2020 hanggang sa December 31, 2021 at aakyat sa P40 per pack mula January 1, 2022 hanggang December 31, 2023.
Kasama rin sa mga dinagdagan ng buwis sa ilalim ng TRAIN Law na nilagdaan ng pangulo ay ang mga produktong alak, langis, sugary drinks at mga sasakyan.
Para naman maibsan ang epekto nito sa mga ordinaryong mamamayan ay itinaas ang tax-exempt cap hanggang sa mga tumatanggap ng annual salry na P250,000.
Sinabi rin ng PSA na mabilis rin ang naging pagtaas ng halaga ng ilang mga produkto tulad ng mga damit, sapatos, household equipment pati na rin ang halaga ng pagkain sa mga restaurants.