Fashion consultant ni Pangulong Duterte nabiktima ng nangongontratang taxi driver sa NAIA
Inaresto ng mga tauhan ng Airport Police Department ang isang taxi driver na nangontrata sa isang fashion consultant ni Pangulong Rodrigo Duterte sa NAIA Terminal 2.
Positibong kinilala ni Suzanne Nagac, assistant ni presidential fashion consultant Melody Pimentel ang suspek na si Ramon Leoligao na siyang nanloko sa kanya.
Sa kuwento ni Nagac kinontrata siya ni Leogilao sa halagang P600 para ihatid sa NAIA Terminal 3 mula sa NAIA Terminal 2 at siningil pa siya ng dagdag na P45 para sa Skyway toll.
Nang malaman ng suspek na patungo din sa Makati City si Nagac kinontrata siyang muli ng P1,200.
Dahil sa matinding takot, agad na bumaba si Nagac nang makarating sila sa Terminal 3.
Kinabukasan ay nagpunta sa APD si Nagac at sa follow-up operation, natunton si Leoligao na naghihintay ng pasahero sa Terminal 2 kayat inimbitahan na ito ng airport police.
Nadiskubre din na ang plate number na TYK 962 ng minamanehong taxi ng suspek ay nakarehistro sa isang sasakyan at sinabi ni Leoligao ay nabili niya ito ng P70,000 sa Central Office ng Land Transportation Office.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.