Viewership ng Oscars bumaba ng 20%

By Rohanisa Abbas March 06, 2018 - 11:10 AM

Bumagsak nang 20% ang ratings ng pinakamalaking awards’ night sa Hollywood na Oscars.

Ayon sa Nielsen, mula sa 33 milyong nanood noong 2017, nakapagtala ng record-low na 26.5 million viewrs ang 90th Academy Awards.

Batay sa datos ng Nielsen, ito ang kauna-unahang pagkakataong nakakuha ng mas mababa sa 30 milyong manonood ang Oscars mula noong 1974.

Ang Academy Awards ang isa sa mga pinakapinapanood na television programs sa US, kasunod ng Super Bowl.

Sa Academy Awards ngayong taon, ang pelikualng “The Shape of Water” ang itinanghal na Best Picture bagaman kumita lamang ito ng $57.4 million sa United States.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Hollywood, Oscars, Oscars rating, Radyo Inquirer, viewership, Hollywood, Oscars, Oscars rating, Radyo Inquirer, viewership

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.