Abiso sa mababawas sa load ng mga prepaid subscriber dapat gawing real-time ng mga Telco ayon sa isang senador
Dapat abisuhan ng telecommunications companies (Telcos) ang kanilang prepaid subscribers sa mga nababawas sa kanilang load real-time.
Ito ang ipinanukala ni Senador Bam Aquino sa gitna ng mga reklamo ng publiko sa hindi maipaliwanag na pagkabawas o pagkawala ng kanilang load.
Sa isang panayam, sinabi ni Aquino na inamin ng Telcos na sa pagdinig ng senate committee na minsan, kinakain ng value-added services (VAS) ang prepaid load.
Paliwanag ng senador, ang VAS ay ang mga serbisyo liban sa text and call transmissions.
Posibleng nababawasan ang load sa tuwing may pinipindot na pop-up buttons o advertisement links ng VAS providers.
Aniya, dapat magkaroon ng sistema ang telcos kung saan pwedeng kumpirmahin o kansekahin ng subscribers ang VAS.
Naniniwala si Aquino na mappipigilan ang pagbawas ng load mula sa VAS kung aabisuhan ng telcos ang subscribers kung magkano ang kanilang load balance sa bawat transaksyon.
Sa datos ng National Telecommunications Commission, 97% ng 130 milyong mobile phone accounts o 126 milyon ang prepaid.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.