Halos 9M halaga ng smuggled na sigarilyo at fireworks mula China nasabat ng BOC

BOC Photo

Kinumpiska ng Bureau of Customs ang P8.98 milyon halaga ng smuggled na sigarilyo at fireworks mula China.

Ayon sa BOC, laman ng dalawang 40-foot container vans ang misdeclared items sa Port of Manila.

Dumating ang mga ito sa bansa noong nakaraang buwan.

Ang Paragon Platinum International Trading Corp. sa Binondo, Maynila ang consignee ng isang container van na dumating noong February 21.

BOC Photo

Idineklarang bracket ang nilalaman ng shipment ng naturang kumpanya pero kahun-kahong mga sigarilyo pala ang nilalaman nito. Nagkakahalagang P8.2 milyon ang mga ito.

Samantala, Power Buster Marketing sa Tanza, Cavite naman ang consignee ng isa pang container van na dumating sa bansa noong December 31.

Ayon sa BOC, idineklarang footwear ang nilalaman ng shipment, pero nadiskubreng fireworks ang laman nito.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...