Matataas na opisyal ng South Korea nakipagpulong kay North Korean leader Kim Jong-un
Sa pambihirang pagkakataon nagtungo sa North Korea ang matataas na opisyal ng South Korea para makipagkita kay North Korean leader Kim Jong-un.
Mismong si Kim ang nag-imbita sa South Korean envoys at nanguna sa isang diner na ginanap sa headquarters ng ruling Workers’ Party ng NoKor.
Ayon sa tagapagsalita ng presidential office ng Seoul na si Cheong Wa Dae, ito ang unang pagkakataon na inimbitahan ng NoKor ang mga opisyal mula sa South Korea para sa isang pulong at salu-salo sa headquarters nito.
Lunes ng hapon oras sa Seoul nang umalis patungong NoKor ang 10-member delegation sa pamumuno ni Chung Eui-yong, na top national security adviser ni South Korean President Moon Jae-in.
Kasama din sa delegasyon ang direktor ng National Intelligence Service (NIS), Vice Unification Minister, Second Deputy NIS Director, at isa pang mataas na opisyal ng Blue House.
Ayon sa pahayag ng Seoul, nagkaroon ng ‘satisfactory agreement’ sa nasabing pagpupulong.
Tinanggap din ni Kim ang liham mula kay Moon na bitbit ng delegasyon at kabilang sa napagkasunduan ay ang bawasan ang military tensions at sa halip ay dagdagan ang mga dayalogo.
Magugunitang sa pagtungo sa South Korea ng kapatid ni Kim na si Kim Yo-jong, dinala naman nito ang liham ng North Korean leader at ibinigay kay President Moon.
Sa nasabig liham, inimbita ni Kim ang leader ng South Korea para bumisita sa Pyongyang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.