Bagong leader ng Maute na pumalit kay Isnilon Hapilon, natunton na ng militar

Natunton na ng militar ang lokasyon ng bagong leader ng Maute na pumalit kay Isnilon Hapilon.

Ayon kay Major Ronald Suscano, spokesman ng 1st Infantry Division, si Abu Dar na dating sub-leader ni Hapilon noong bakbakan sa Marawi ang pumalit sa kanya sa pwesto.

Nabatid na si Dar ay tumakas sa Marawi, dala nito ang malaking halaga ng pera na nakukulimbat ng grupo sa pag-ransack sa marawi na siyang ginagamit ngayon na pang-recruit ng mga bagong miyembro.

Paliwanag ng opisyal, base sa kanilang intelligence, madalas daw na mamataan ngayon sa munisipyo ng pagawayan, Lanao del Sur si Dar.

Napag-alaman din na mayroon itong sampung sub-leaders, kung saan kasama ang nahuling Maute sub-leader sa Maynila nitong sabado na si Nasser Lomondot.

Ang iba aniyang sub-leaders ay nasa Lanao Del sur din at kasalukuyang nagpapalakas ng pwersa, mula sa tinatayang 313 terroristang nakatakas sa Marawi.

Samantala, sinuguro naman ng AFP na patuloy ang kanilang monitoring at naghihintay lang ng pagkakataon na makapagsagawa ng operasyon laban sa terroristang grupo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...