22 opisyal ng PNP sumailalim sa pagsasanay sa Georgia

Nagtungo sa Brunswick sa bansang Georgia ang 22 opisyal ng Philippine National Police mula sa katatatag lamang na Philippine Transnational Criminal Investigative Unit (TCIU) upang sumailalim sa tatlong linggong training.

Ayon sa embahada ng Estados Unidos sa Maynila, ang United States Homeland Security Investigations ang nag-host ng International Task Force Agent Training sa Federal Law Enforcement Training Center sa Georgia.

Nagsanay ang hanay ng TCIU sa entry and defensive tactics, investigative techniques, interviews at interrogations, evidence collection, surveillance, at undercover operations.

Ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa sa Asya na nagkaroon ng TCIU.

 

 

 

 

 

 

Read more...