BREAKING: 5 na ang patay, mahigit 50 ang sugatan sa pagguho ng apat na palapag na bunkhouse sa Cebu City
(3rd update) Patay ang 3 trabahador habang mahigit 50 pa ang nasugatan makaraang gumuho ang apat na palapag na bunkhouse sa Cebu City.
Ayon kay Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office Chief Nagiel Bañezia, gumuho ang 4-storey bunkhouse na pag-aari ng Abraham Lee Construction sa Archbishop Reyes Avenue sa Barangay Lahug, Martes ng madaling araw at natabunan ang mga construction worker na natutulog noon.
Sa datos ng kumpanya, aabot sa 153 mga manggagawa ang natutulog sa bunkhouse nang maganap ang insidente at sila ay natabunan ng mga scaffolding at steel bars.
Maliban sa limang kumpirmadong nasawi, apat pa ang malubhang nasugatan makaraang magtamo ng bali at malalalim na sugat sa katawan, pito pa sa mga dinala sa ospital ang nagtamo ng sugat, habang 44 ang minor injuries lamang lamang natamo kabilang ang gasgas at pasa sa katawan. Nasa 103 naman ang nakaligtas.
Posible ayon kay Bañezia na sobrang dami ng tao sa loob ng bunkhouse kaya ito gumuho.
Tiniyak ni Bañezia na magsasagawa ng imbestigasyon ang building officials ng Cebu City sa insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.