PAGASA nakapagtala na ng mahigit 36 degrees Celsius na temperatura sa Occidental Mindoro kahapon
Painit ng painit ang naitatalang temperatura ng PAGASA bagaman hindi pa opisyal na naidedeklara ang panahon ng tag-init.
Kahapon sinabi ng PAGASA na ang pinakamainit na temperatura ay naitala nila sa San Jose, Occidental Mindoro na umabot sa 36.2 degrees Celsius.
35.9 degress Celsius naman ang naitala sa Tuguegarao at 35.8 degrees Celsius sa Cabanatuan.
Sa Metro Manila ang maximum temperature kahapon ay umabot sa 34.7 degrees Celsius ganap na alas 3:00 ng hapon.
Ayon sa PAGASA ngayong araw, mainit at maalinsangang panahon pa rin ang iiral sa buong bansa dahil sa Easterlies.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.