Pawang gawa sa mga light materials ang kabahayan sa lugar, kaya naman mabilis na kumalat ang sunog.
Ayon kay Fire Superintendent Carl Dueñas ng Pasay City Fire Department, nasa siyam na kabahayan ang tinupok ng apoy.
Aniya pa, nagsimula ang sunog mula sa bahay ng isang Princess Ramos kaninang ala-1:40 ng umaga at idineklara itong under control bago mag alas-3 ng madaling araw.
Hindi pa batid kung paano nagsimula ang apoy, ngunit hinala ng mga residente, posiblemg sumiklab ang apoy dahil sa napabayaang kandila sa bahay ni Ramos.
Anila, matagal nang walang kuryente sa lugar na puro informal settlers ang nakatira. Ayon pa sa mga ito, nakatakda nang idemolish ang mga kabahayan sa lugar.
Samantala, inaalam pa ng mg otoridad kung magkano ang kabuuang pinsala dahil sa sunog.