SC dapat ibasura ang quo warranto petition-Sereno camp

By Jay Dones March 06, 2018 - 03:36 AM

Dapat na agad na ibasura ng Korte Suprema ang quo warranto petition na isinampa ng Office of the Solicitor General laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ito ang pahayag ng kampo ni Sereno matapos ihain ng OSG sa Korte Suprema ang petisyon na layong siya ay patalsikin ito pwesto.

Sa isang statement, iginiit ng panig ni Sereno na walang ligal na batayan sa Konstitusyon ang quo warranto petition at hindi rin ito aniya isang proper remedy sa naturang usapin.

Sa ilalim anila ng 1987 Constitution, tanging sa pamamagitan lamang ng impeachment na isasagawa sa Kamara at ‘conviction’ ng Senado na uupo bilang impeachment court maaring maalis sa puwesto ang isang Chief Justice.

Naniniwala ang kampo ni Sereno na ang ginagawa ng Solicitor General ay bahagi pa rin ng ‘grand plan’ upang puwersahin ang Chief Justice na magbitiw sa puwesto,bagay na hinding-hindi gagawin ng Punong Mahistrado.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.