101st Manila Yacht Club Squadron lehitimong miyembro ng PCGA

By Justinne Punsalang March 06, 2018 - 02:19 AM

 

Iginiit ni Fred Villanueva ng 101st Manila Yacht Club Squadron na lehitimo silang miyembro ng Philippine Coast Guard Auxiliary.

Ito ay bilang tugon sa naunang sinabi ng Philippine Coast Guard na hindi siya bahagi ng PCGA, kaugnay ito sa kumakalat na litrato ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Martin Diño na nakasuot ng uniporme ng PCGA.

Ani Villanueva, 1973 nang mabuo ang nasabing grupo at ito umano ang pinakaunang PCGA sa bansa.

Ito rin aniya ang tanging PCGA na naka-register sa ilalim ng Securities and Exchange Commission (SEC).

Ayon pa kay Villanueva, lahat ng miyembro ng 101st MYC Squadron ay otorisadong magsuot ng PCG uniform.

Nauna nang sinabi ng PCG na hindi miyembro ng PCGA si Diño at maaaring maharap sa kasong usurpation of authority at iba pang kasong kriminal dahil sa pagsusuot ng uniporme nito.

Ayon pa sa PCG, posibleng naloko lamang si Diño ng isang Admiral Villanueva ng Manila Yatch Club na isa lamang bogus na grupo ng PCGA .

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.