Batay kasi sa datos na hawak ng MRT-3, mas maraming nararanasang mga technical problems ang MRT-3 kapag mainit ang panahon. Hindi lamang ito limitado sa mga bagon ng tren, ngunit maging sa mismong railway system.
Kaya naman ayon kay MRT-3 director for operations Michael Capati, naghahanda na sila. At kabilang dito ang pagbili ng mga brand new na air conditioning units para sa mga bago.
Samantala, kahapon ay 10 mga tren ang tumakbo, ngunit nabawasan pa ito ng dalawa. Sa kabuuan ay nasa mahigit-kumulang 300,000 na mga pasahero ang naserbisyuhan ng MRT-3.
Inaasahan namang mayroong limang mga tren ana madadagdag sa riles makalipas ang maintenance activity na gagawin ng pamunuan sa Holy Week.